Close

DOH nagbabala sa pagdami ng kaso ng heat stroke

Sponsor ads


Pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko kaugnay sa mga sakit na maaaring makuha sa matinding tag-init gaya ng summer-related disease at heat stroke.

Ito ang naging abiso ng ahensya ngayong papalapit na ang summer vacation at Semana Santa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mahalaga ang pagdadala ng tubig para manatiling hydrated lalo na kung magsasagawa ng visita iglesia.

Makatutulong rin ang pagdala ng pagkain na hindi madaling mapanis at payong panangga sa init.

Sa mga nais namang magpapako sa krus, dapat tiyaking malinis at maayos ang gagamiting pako.

Mainam rin ang pagdadala ng first aid kits at gamot sa pagbyahe.

Para naman sa mayroong highblood, dapat panatilihin ang pag-inom na maintenance na gamot at manatili sa bahay kapag matindi ang sikat ng araw.