Close

DOH: UK virus variant, nadetect na sa Pilipinas

Sponsor ads


Kinumpirma ng Department of Health (DOH) at ng Philippine Genome Center (PGC) na ang bagong coronavirus variant na unang nadiskubre sa United Kingdom, ay nadetect na sa Pilipinas.

Ang kumpirmasyon ay matapos lumabas ang positive genome sequencing results ng mga samples mula sa Filipino na dumating sa Pilipinas mula sa United Arab Emirates noong January 7.

Ang naturang variant ay pinaniniwalaang mas nakakahawa.

Ayon sa DOH, ang pasyente ay isang lalaki na residente ng Quezon City, na umalis ng Dubai noong December 27 para sa business purposes at bumalik ng bansa noong January 7, lulan sa Emirates Flight No. EK 332.

Samantala, ang babaeng partner naman ng pasyente ay nagnegatibo para sa COVID-19 at kasalukuyang nasa ilalim ng “strict” quarantine at monitoring.

Ang mga nakasalamuha naman ng mag-asawa na natukoy na ng mga otoridad ay kasalukuyang asymptomatic at nasa ilalim ng strict home quarantine, habang patuloy ang contact tracing para naman sa iba pang mga pasahero na nakasama ng mga ito sa flight.