Close

DOH: Mga drug users, mas vulnerable sa COVID-19 infection

Sponsor ads


Nagbabala ang Department of Health (DOH) na ang mga drug users ay ang mas vulnerable sa COVID-19 infection, dahil sa kanilang risk-taking behaviors at ang negatibong epekto ng illegal substance sa kanilang katawan.

Ayon kay Dr. Jose Bienvenido Leabres, program manager ng DOH’s Dangerous Drugs and Treatment Program, na ang community lockdowns ay maaring nag-udyok sa mga drug dependents na maghanap ng paraan para masatisfy ang kanilang mga sarili sa kabila ng pandemic restrictions.

Binigyang diin pa ni Leabres na ang paggamit ng marijuana at methamphetamine ay may side effects sa baga na siyang pinaka vulnerable organs sa COVID-19 infection.

Dagdag nito, ang substance abuse ay nagpapahina rin sa immune system na nagpapataas sa risk ng isang tao sa viral infection.

Samantala, sinabi nito na ang pandemic ang nag-udyok na pansamantalang isuspende ang operasyon sa rehabilitation centers, dahilan rin para sa zero cases ng COVID-19 infections sa pasilidad.