Close

DOH: Halos 900 bagong kaso ng HIV/AIDS naitala noong Feb

Sponsor ads


Pumapalo na sa 900 ang mga bagong kaso ng HIV/AIDS na naitala ng Department of Health noong Pebrero.

Sa naturang bilang, 20 kaso ang nakuha mula sa contaminated needles habang dalawang kaso naman ang mother-to-child transmission.

Ayon sa DOH, ang mas nakakaalarma ay ang nakukuha mula sa sexual contact na pumapalo sa 841 new cases ng HIV.

Dahil dito, hinimok ni Health Secretary Francisco Duque ang publiko na magpasuri at kung sakaling magpositibo ay handa naman umano ang DOH na magbigay ng counseling at anti-retroviral treatment.

Samantala, nasa 5,537 OFWs namana ng nagpositibo sa HIV/AIDS nitong taon lang.