Close

DOH: 4,512 fixed COVID-19 vaccination posts sa PH

Sponsor ads


Tinukoy na ng gobyerno ang kabuoang 4,512 fixed vaccination points sa bansa kung saan gagawin ang COVID-19 immunization.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang model ng vaccination plan ay magiging katulad sa election poll sites at kasalukuyang medical centers at rural health facilities na gagamitin.

Ang bawat vaccination team ay binubuo umano ng anim na health workers na kinabibilangan ng physician, nurse o midwife na in charge sa screening at assessment; isang allied professional o volunteer para sa health education; doctor, nurse, o midwife na magbabakuna; at dalawang health workers o volunteers mula sa partner agencies na aatasan para sa documentation at pagkuha ng vital signs.

Dagdag ni Duque, sisikapin ng ating bawat vaccination team na makapagbakuna ng 100 pasyente sa isang araw.

Ipinaliwanag naman nito na ang vaccination process ay binubuo ng limang stages na kinabibilangan ng registration; pre-vaccination education at counselling; screening kabilang ang medical history review; vaccination at issuance ng immunization card; at post-vaccination monitoring at surveillance.