Close

DOH: 'Wag muna bumili, kumain ng isda mulaTaal Lake

Sponsor ads


Muling nagpaalala ang Department of Health na hindi dapat kumain o bumili ng mga isda na galing sa Taal Lake o sa Batangas.

Ayon kay Health Assistant Maria Francia Laxama,
bagamat una nang ipinagbawal ang pagkain ng isda mula sa taal, sakaling mangyari ito, ang mga sintomas aniya ay kapareho ng sa food poisoning.

Kabilang dito ang pagsusuka, patuloy na pagdumi at pagsakit ng tiyan.

Mahalaga aniyang tutukan ang mga pasyente, bigyan ng antipasmodic medication para sa mga sasakit ang tiyan.

Importante rin aniya ang rehydration para sa mga makakaranas ng pagdumi.