Close

DOH, tinukoy ang 9 ‘emerging COVID-19 hotspots’ sa Mindanao

Sponsor ads


Tinukoy na ng Department of Health ang ilang mga lugar sa southern Philippines na maging posibleng COVID-19 hotspots.

Ayon kay Health spokesperson Maria Rosario Vergeire, mahigpit na binabantayan nila ngayon ang mga lugar ng:

Northern Mindanao
*Bukidnon
*Lanao del Norte
*Misamis Occidental

Davao Region
*Davao del Norte
*Davao del Sur
*Davao Oriental

Soccsksargen
*South Cotabato
*Sultan Kudarat

Bangsamoro Autonomous Region
*Maguindanao

Paliwanag ni Vergeire, ang COVID-19 hotspot ay tumutukoy sa mga lugar na nagtala ng isang kumpirmadong kaso matapos ang pagiging virus-free.

Maari ring umanong mangahulugan ito na isang lugar na may mga kaso ng COVID-19 at biglang naitala ang mabilis na pagtaas ng infections.