Close

DOH, nilinaw na walang pneumonia outbreak sa Pilipinas

Sponsor ads


Nilinaw ng Department of Health na walang pneumonia outbreak sa Pilipinas.

Sinabi ito ni Health Undersecretary Erik Domingo upang pabulaanan ang mga report na kumakalat sa social media.

Ipinunto ni Domingo na ang bilang ng mga kaso na naitala noong December 2018 ay mas mababa kung ikukumpara sa nagdaang taon.

Sa kabila nito ay inabisuhan ni Domingo ang publiko na na mag-ingat at panatilihin ang proper hygiene tuwing flu season.