Close

DOH, nakikitang tataas ang COVID-19 cases sa 53 areas

Sponsor ads


May nakitang pagtaas ang Department of Health (DOH) sa COVID-19 cases sa 53 lugar sa bansa.

Ito ang inanunsyo ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong pumalo na sa 269,407 ang COVID-19 cases sa bansa; sa bilang na ito, 207,352 na ang naka-rekober habang 4,663 ang nasawi.

Ayon kay Vergeire, kabilang sa 53 areas ang ilang probinsya, highly urbanized cities, at independent component cities na mayroon percentage increase sa COVID-19 cases.

Aniya, masusi itong mino-monitor ng DOH at nakipag-coordinated na sila sa mga local government units (LGUs) tungkol dito.

Bukod dito, may naobserbahan din ang DOH na apat na bagong clustering ng cases sa Calabarzon at probinsya ng Bulacan.

Dahil sa mga datos, di umano pa talaga masabi na bumababa na ang trend ng virus.

Pero, nilinaw ni Vergeire na mas bumubuti na ang COVID-19 response ng pamahalaan dahil nakakaagapay naman ang health system ng Pilipinas.