Close

DOH, nagtatag na ng Measles Task Force

Sponsor ads


Nagtatag na ng Measles Task Force (MTF) ang Department of Health (DOH) 4-B.

Itoy kasunod na rin ng mabilis na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng tigdas sa Calabarzon region.

Sa panayam kay DOH Region 4-A Director Dr. Eduardo C. Janairo, sinabi nito na layon ng MTF na tiyaking naipatutupad na mabuti ang mga estratehiya

at plano alinsunod sa pangangailangan ng mga pasyenteng tinamaan ng tigdas.

Giit ni Janairo na kasama sa task force ang lahat ng provincial health officers (PHOs), city health officers (CHOs), municipal health officers (MHOs), national immunization program (NIP) coordinators at mga provincial health team officers (PHTOs) at ang Development Management Officers (DMOs) sa rehiyon upang matugunan ang lumalalang kaso ng tigdas sa lugar.

Dito makikipag-ugnayan din ang task force sa mga opisyal at mga ahensiya ng pamahalaan para makuha ang sapat na suporta at makasigurong maibibigay ang lahat ng pangangailangan.

Mababatid na naitala sa rehiyon ang lalawigan ng Rizal na may pinakamataas na bilang ng tigdas, 465; 167 sa Laguna; 142 sa Batangas; 126 sa Cavite;

at 72 sa Quezon.