Close

DOH, nagbabala sa sakit na maaaring idulot ng imbak na tubig

Sponsor ads


Nagpaalala ang Department of Health sa publiko hinggil sa mga posibleng sakit na makuha mula sa pag-iimbak ng tubig ngayong marami ang nag-iipon nito bunsod ng water shortage.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, ang mga impok na tubig ay maaaring pamugaran ng lamok na may dalang dengue.

Kaya naman payo ng kalihim, dapat tiyaking maayos ang inimbak na tubig lalo at inaasahan ang pagtaas ng kaso ng dengue ngayong taon.

Dapat ay may takip ang bawat tubig para hindi ito pamugaran ng kiti kiti na nagiging lamok.

Mula kasi noong Enero hanggang nitong buwan ng Marso, tumaas na ng 68% ang kaso ng dengue kung ikukumpara noong nakaraang taon.

Tinatayang higit 40,000 na ang kaso ng dengue sa buong bansa.

Maging ang tubig sa rasyon ay dapat ring ipanligo o ipanglinis lang ng paligid at hindi dapat gawing inumin dahil posible rin itong magdulot ng sakit.