Close

DOH, aminadong mahirap palitan ang liderato sa gitna ng pandemic

Sponsor ads


Inihayag ng Department of Health (DOH) na mapalad umano sila na hindi nakasama si Health Secretary Francisco Duque III mula sa mga inirekomendang kasuhan kaugnay sa mga anomaliya sa sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Giit kasi ni DOH Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire, mas magiging mahirap kung magkakaroon ng pagbabago sa liderato sa loob ng health department habang nasa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, nagpapasalat ang ahensya kay Pangulong Rodrigo Duterte na binigyan ng ganitong tiwala ang kalihim.

Batay kay Duque, sinabi ni Vergeire, na lagi naman umanong bukas ang DOH pati ang PhilHealth sa anumang mga imbestigasyon na gagawin para malalaman ang totoo.

Dagdag ng opisyal, kung saka-sakaling mapapatunayan sa proper court of law na talagang may mga issues o gaps ang kanilang mga opisyal, ay dapat ring ibigay ang mga nararapat na sanctions.