Close

DOF: Panatilihing sapat ang suplay ng pagkain

Sponsor ads


Binigyang-diin ng Department of Finance ang kahalagahan ng pagpapanatili ng sapat na suplay ng basic commodities sa merkado upang mapababa ang presyuhan.

Ayon kay Finance Undersecretary at Chief economist Gil Beltran, bahagya kasing tumaas nang 0.3 percent ang presyo ng isda, prutas at gulay sa mga nagdaang buwan.

Resulta aniya ito ng kakulangan sa suplay kaya kailangang magpatupad ng productivity programs.

Binanggit rin ni Beltran ang pagdami ng suplay ng mais, bigas at asukal na nagpabilis sa pagbaba ng presyo ng mga ito sa palengke.

Hinimok naman ng opisyal ang Bureau of Customs na ayusin ang kanilang sistema upang mabilis na maipasok sa bansa ang ilang imported food items.