Close

DOF, may target revenue na para sa BIR at BOC hanggang 2022

Sponsor ads


Nagtakda ng taunang target collection ang 2 main revenue bureaus ng pamahalaan hanggang 2022.

Ayon sa Department of Finance, target collection ng Bureau of Customs ngayong taon ay P581.3 billion o mas mataas ng 26.48% sa target noong 2017.

Target naman ng Bureau of Internal Revenue ngayong taon ang P2.039 trillion o mas mataas ng 13.91% kumpara noong nakaraang taon.

Ayon sa DOF, target ng pagtatapos ng administrasyong Duterte na maiangat sa P3.312 ang BIR collection habang P914.8 billion naman ang BOC sa 2022.