Close

DOF, irereview ang 'common carriers tax'

Sponsor ads


Pinagplaplanuhan ng Department of Finance (DOF) ang pag-review sa kasalukuyang revenue regulations na sumasakop sa common carriers tax upang matiyak ang level playing field para sa international air at sea cargo vessels.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, exempted ang international carriers sa pagbabayad ng 3-percent common carriers tax sa mga pasahero ngunit hindi sa cargo.

Una nang nagreklamo si Denmark Minister of Industry, Business and Financial Affairs Brian Mikkelsen hinggil sa hindi patas na playing field sa bansa.

Ang Danish official ay una nang nasa Manila kung saan pinangunnahan nito ang business delegation na nagrerepresenta sa mga kompaniya sa Denmark at interesadong mag-invest sa Pilipinas.