Close

DOE nilinaw na walang gas exploration deal na lalagdaan

Sponsor ads


Hindi magkakaroon ng pirmahan sa pagitan ng China at Pilipinas kaugnay sa gas exploration deal.

Ito ang nilinaw ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Ayon kay Cusi, walang kasunduan na lalagdaan ang dalawang bansa sa nakatakdang pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping ngayong buwan.

Bukod pa rito ay hinihintay nalang ng Department of Energy ang lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Service Contract 57 na siyang mag-aalis sa pagbabawal sa oil exploration sa West Philippine Sea na siyang pinag-aagawan ng Pilipinas at ng China.

Para naman sa lifting ng ban, hahayaan na ng DOE ang Department of Foreign Affairs na magdesisyon hinggil rito dahil sa diplomatic issue.

Samantala, habang hinihintay ang paglalagda ni Duterte sa Service Contract 57 ay sinimulan na muna ng ahensya ang hakbang para ra oil exploration sa pre-determined areas na kabilang sa teritoryo ng Pilipinas.