Close

DOE, duda sa pagtaas ng presyo ng ilang mga gasolinahan

Sponsor ads


Nagpadala ang Department of Energy ng show cause order sa iba't ibang gasolihan dahil sa kaduda-dudang pagtaas ng presyo sa gasolina, langis at petrolyo.

Kailangan aniyang magpaliwanag ang naturang mga kompanya kung makatwiran ba ang pagpapatupad nito ng taas presyo bunsod ng kakapatupad lamang na Tax Reform for Acceleration and Inclusion Train law.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, ang pagpapatupad ng taas presyo sa kompanya ng mga langis ay eepekto sa January 16.

Sa ngayon ay tinitignan muna ng kanilang ahensya kung tunay bang naubos na ang imbentaryo ng ilang mga gasolinahan kaya ito nagsimula na sa dagdag singil sa produktong petrolyo.

Binalaan naman ni Cusi ang mga mananamantala at lalabag sa batas na posibleng maharap sa kasong kriminal, administratibo o di kaya ay matanggalanng Certificates of Compliance o COC.