Close

DOE, DOF ‘di sang-ayon na suspendihin ang VAT sa kuryente

Sponsor ads


Hindi sinang-ayunan ng Energy at Finance departments ang rekomendasyong suspendihin ang koleksyon ng 12% value-added tax (VAT) sa konsumo ng kuryente sa gitna na COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig ng Joint Congressional Energy Commission, inilahad ni Senator Risa Hontiveros ang rekomendasyon ng Senate Tax Study and Research Office (STSRO) na suspendihin ang VAT collection habang nagrerekober pa umano ang bansa sa pandemic.

Paliwanag ni Energy Secretary Alfonso Cusi, magiging detrimental para sa gobyerno kung isususpende ang VAT, lalo na't labis na nangangailangan umano ngayon ang bansa para makalikom ng pondo para suportahan ang mga hakbang laban sa COVID-19.

Senegundahan naman ito ni Finance Undersecretary Bayani Agabin at ipinaliwanag na ang VAT ay isang progressive tax, kung saan ang kokonsumo ng malaki ay mapapatawan rin ng mas malaking buwis.