Close

DND sa mga Filipino: ingatan at protektahan ang tinatamasang Kalayaan

Sponsor ads


Kasabay ng ika 121st independence day celebration ngayong araw nanawagan si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga Filipino na ingatan at protektahan ang tinatamasang kalayaan.

Ayon kay Lorenzana, ito ang pagkakataon para maipakita ng mga Filipino ang pagmamahal sa bayan, ang tumulong sa pagdepensa sa bansa laban sa mga threat groups.

Dagdag pa ng kalihim na ngayong ipinagdiriwang ang araw ng kalayaan hindi nakakalimutan ng DND ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para protektahan ang mga Filipino at magkaroon ng kalayaan.

Giit nito na dapat na mag rally ang mga Filipino para sa panig ng gobyerno at ipanawagan na matigil na ang panggugulo ng mga local communist group sa bansa na may kakaiba adhikain.

Samantala nagpasalamat rin ang kalihim sa mga sundalo, reservist at civilian volunteers na walang sawang ginagampanan ang kanilang sinumpaang tungkuling protektahan ang mga Filipino at ang ating teritoryo upang patuloy natin matamasa ang kalayaan.