Close

DND inatasan ng Malakanyang na iberipika ang namataang aerostat radar ng China sa loob ng teritoryo ng Pilipinas

Sponsor ads


Pinabeberipika na nang Palasyo sa Department of National Defense (DND) ang mga ulat kaugnay sa aerostat radar ng China na nasa teritoryong sakop ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Salvador Panelo bahala na din ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang paglalabas ng pahayag kaugnay sa isyung ito.

Matatandaan na namataan ang aerostat radar ng China sa Panganiban reef, na pasok sa 200 nautical mile Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Panelo, tiyak naman na maglalabas ng pahayag si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa oras na maberipika na ang ulat na ito.

Subalit sa ngayon mas mainam umano maverify muna kung gaano katotoo ang naturang ulat.
#