Close

DLSU Lady Spikers, nagdomina vs. ADMU Lady Eagles

Sponsor ads


Hindi pinagbigyan ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers na makabawi sa kanila ang karibal nito na Ateneo Lady Eagles sa 3 magkakasunod na sets na nagwakas sa 26-24, 25-17 at 25-19

Ginanap ang UAAP Women's Volleyball match ng DLSU at Ateneo sa Mall of Asia Arena.

Dahil sa panalo, didiretso na ang Lady Spikers sa top seed ng Final 4 hawak ang 12-2 record habagang ang Lady Eagles naman ay bumaba sa ikatlong pwesto na may 9-5 record.

Pinangunahan ni Kim Dy ang Lady Spikers dahil sa naitala nitong 13 points habang sinundan naman ito ni Desiree Cheng sa naiambag niyang 12 points.

Sinubukan naman ni Kat Tolentino ng Ateneo na makabawi sa laro pero tila hindi sumapat ang kanyang 15 points na nagmula sa 11 spikes, 3 aces at 1 block.

Samantala, dahil sa kabiguan ng Ateneo ay magkakaroon naman ng twice-to-beat advantage ang Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws na kasalukuyang nasa 2nd seed ng Final 4.