Close

DILG: Crime volume, bumaba ng 11%

Sponsor ads


Bumaba ng 11% ang crime volumet sa bansa.

Ayon sa Department of Interior and Local Government, mula sa 488,644 na kaso ng krimen noong July, 2017 hanggang July, 2018 ay bumagsak ito sa 438,496 na mga kaso mula July, 2018 hanggang june, 2019.

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año sa kanyang talumpati sa pre-State of the Nation Address sa Cebu City na ang pagbaba sa crime volume, bukod sa pagiging drug-free ngayon ng 12,000 barangay, ay resulta ng "participatory governance."

Iginiit ng kalihim na naging malaking bahagi ang mamamayan, local government units at ang mga stake holders sa naging tagumpay ng mas pinaigting na peace and order councils, anti-drug abuse councils, at people's law enforcement board (PLEB) upang tapusin ang problema sa ating lipunan.

Samantala, ipinunto rin ni Año para sa nasabing panahon na nasa 172 na jail facilities na ang maituturing ngayon bilang drug-free kumpara sa 74 na naitala noong 2018.