Close

DILG, may babala sa 'MIA' Mayors at Gov. re: Taal volcano crisis

Sponsor ads


Binalaan ngayon ng Department of Interior and Local Government o DILG ang mga Mayor at mga Gobernador sa mga lugar na apektado ng pag aalburuto ng bulkan Taal.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, may responsibilidad ang ito na tiyakin ang kaligtasan ng mga residente sa kanilang nasasakupan sa gitna ng patuloy na pag aalburoto ng Taal Volcano.

Iginiit ni Año na kailangan ay present ang lahat ng provincial governors at mga alcalde sa kani kanilang mga lugar o lokalidad at silang nangunguna sa disaster response katuwang ang local disaster risk reduction and management council.

Sinabi din ng kalihim na dapat ay activated na sa mga pagkakataong ito ang incident management teams, operations center at ibat ibang disaster response teams sa mga nasasakupang lugar ng mga local chief executive.

Binigyang diin ni Año na mahigpit niyang mino monitor ang mga hakbang na ipinatutupad ng mga LGUs sa mga apektadong lugar alinsunod sa operation lists protocols.//LB