Close

DICT at Aboitiz, lumagda sa MOU para sa common telco tower

Sponsor ads


Lumagda sa isang kasunduan ang Department of Information and Communications Technology at ang kumpanyang Aboitiz InfraCapital para mapaigting ang telecommunications infrastructure ng bansa.

Sa isang statement ay kinumpirma ng Aboitiz na lumagda ang infrastructure business unit nito sa memorandum of understanding na kumikilala rito bilang potential common telecommunications tower provider.

Sinabi ni DICT Secretary Eliseo Rio Jr. na kinikilala ng MOU ang kakayahan ng Aboitiz pati na ang financial capacity nito para mamuhunan sa telco towers na maaaring ipagamit sa major players.

Target ng ahensya na makapagtayo ng limampung libong tore sa loob ng pito hanggang sampung taon.

Idinagdag pa ng Aboitiz na layon nilang magtayo, mag-operate at mangalaga ng tower networks sa Pilipinas para mapalakas ang connectivity ng cellular network.

Dahil dito ay maaari nang pumasok sa binding contract ang Aboitiz sa telco operators at kapag natapos ito ay saka tatalakayin ang pagkakaroon ng Memorandum of Agreement sa DICT.