Close

DICT, hinimok ang telcos na samantalahin ang benepisyo sa Common Tower projects

Sponsor ads


Hinimok ng Department of Information and Communications Technology ang mga telecommunications companies (telcos) na samantalahin na ang mga benepisyo na maari nitong makuha mula sa Common Tower projects para mapaigting ang mga plano nito na bumuo ng bagong cell sites.

Kasabay nito ay nangako ang DICT na susuportahan nito ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga telcos na pabilisin na ang pagpapaigting sa mga serbisyo nito sa buong bansa.

Sa ika-5 State of the Nation Address, ay nagbanta ng expropriation ang Punong Ehekutibo laban sa mga telcos kung hindi nito mapapaganda ang mga serbisyo nito sa Disyembre.

Sinabi ni DICT Secretary Gregorio Honasan II sa isang pahayag na hinihimok nito ang lahat ng telcos na suportahan at i-avail ang mga benepisyo ng Common Tower Initiative ng DICT.

Sa pamamagitan ng naturang programa ay inaasahan mapag-iibayo ang Independent Tower Company (ITC) sector at mapapalawak ang base ng common towers sa bansa patungo sa mas mabuting internet quality at mas extensive na telecommunications service coverage.