Close

DFA sa mga OFWs: Gamitin ang right to vote sa May poll

Sponsor ads


Nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Overseas Filipino Workers na makilahok at gamitin ang kanilang karapatang bumoto sa overseas absentee voting para sa 2019 midterm elections.

Sa ipinalabas na mensahe ng DFA, magaganap ang overseas absentee voting sa Abril 13 na tatagal hanggang Mayo 13.

Pinayuhan ng ahensya ang mga OFW na nasa iba’t ibang panig ng mundo na bumisita sa pinakamalapit na embahada para makakuha ng iba pang impormasyon o kung sila ay may katanungan.

Maaari ding bisitahin ang website ng Comelec at DFA o ang Facebook page na overseasvoting.ph.

Hinikayat din ng DFA ang mga Pinoy sa New Zealand na bumoto dahil hindi tulad sa ibang mga bansa, hindi na nila kailangang personal na magtungo sa embahada ng bansa sa Wellington upang bumoto.

Ayon kay Amb. Jesus Domingo, maaaring makaboto ang mga Pinoy sa New Zealand sa pamamagitang ng pagpapadala ng sulat.