Close

DFA Passport Database, tinangay ng ex-contractor

Sponsor ads


Ibinunyag ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na tinangay ng outsourced passport maker ang lahat ng applicants' data matapos kanselahin ang kontrata nito.

Ito ang dahilan kung bakit inoobliga ngayon ng DFA ang mga nagpaparenew ng passports na magdala ng birth certificates.

Paliwanag ni Locsin, mistulang back to zero ang DFA sa mga hawak na files ng mga aplikante kasunod ng pagtangay ng passport maker sa mga datos.

Tila nainis aniya ang contractor nang kanselahin ang kontrata at inaming walang ginawa ang ahensya kaya pangako ng kalihim, hindi na ito mauulit.

Nagsisilbi umanong banta sa pambansang seguridad ang mga pasaporte at hindi maaaring basta na lamang itago o kunin ng private entities dahil pag-aari ito ng estado.

Una rito, kinumpirma ni DFA Assistant Secretary Elmer Cato kay Locsin na required nang magpasa ng birth certificates ang mga aplikante na magrerenew ng brown, green at maroon passports dahil kailangang ilagay ang dokumento sa database matapos mawala ang physical copy ng unang isinumite.