Close

DFA, nais mahuli kaagad ang suspek sa pagkamatay ng Chinese national

Sponsor ads


Hinimok ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ang gobyerno na bilisan ang kilos nito para sa paghuli sa suspek na nasa likod ng pagkamatay ng isang Chinese national sa Las Piñas City.

Naniniwala si Locsin na posibleng maging dahilan ito upang pahirapan ang mga Pilipinong manggagawa sa China.

Sinabi ni Locsin sa kanyang Twitter post na hindi na mahalaga kung sino ang killer, at kung saan ito nangyari.

Anya, ang obligasyon ng gobyerno ay dalhin sila sa hustisya sa lalong madaling panahon, dahil kung hindi ay posibleng maging kabayaran ang kaligtasan ng ating mga kababayan sa China.

Sinabi rin ng kalihim na posibleng maging rason ito upang magkaroon ng anti-Filipino riots.

Matatandaan na hinihinalang tinangka ng 27-anyos na biktima na si Yang Kang na tumakas mula sa employer nito sa pamamagitan ng pagtalon sa ika-anim na palapag ng isang gusali.

Natagpuan ang bangkay ni Kang na nakaposas.