Close

DFA, hinimok ang OFW na bumoto sa 2019 polls

Sponsor ads


Kasabay sa unang araw ng campaign period ngayong araw para sa May 2019 election, hinimok ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga

Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba’t ibang panig ng mundo na bumoto.

Ayon sa DFA, ang mga OFWs na nasa iba’t ibang panig ng mundo ay maaring bumisita sa pinakamalapit na embahada, konsulada, misyon o MECO upang makakuha ng iba pang impormasyon o kung sila ay may katanungan.

Maari ding bisitahin ang website ng Comelec at DFA o ang FB page na Overseas VotingPH.

Ang overseas voting para sa 2019 midterm elections ay magaganap sa April 13 hanggang May 13, 2019.