Close

DESIDERIO WINNING SHOT!

'Atin 'to, papasok 'to'

Tila nagdilang-anghel ang mga sinabi ni Paul Desiderio ng UP Fighting Maroons kahapon matapos niyang maiuwi ang crucial win laban sa UST Growling Tigers.

Sa huling 5.3 segundo kasi ng laban kagabi para sa UAAP Season 80 Men's Basketball tournament, naisara sa 71-73 ang iskor ng dalawang koponan.

Nabaliktad ang mundo nang biglang pumasok ang tres ni Desiderio dahilan para maiuwi ang kauna-unahang panalo ng mga pambato ng Diliman.

Bagamat 1 out of 10 lamang ang shooting ni Desiderio sa three-point line sa buong laban, napaka-halaga naman ng kaisa-isa nitong pumasok na tira.

Sa kabuoan, nag-ambag si Desiderio ng 17 points.

Sinundan naman ito Gelo Vito na kumana ng 9 points, samantalang tig-7points naman ang kinolekta nina Juan Gomez de Liano at Noah Webb.
#