Close

DBM: 2019 budget, pumapalo sa P3.4T

Sponsor ads


Kinumpirma ng Department of Budget and Management (DBM) na inapribahan ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang P3.4-T national budget para sa 2019.

Ang 2019 budget ay sakop ang revenue target na P3.134 trillion o 16.2 percent ng gross domestic product.

Nagtakda rin ang DBCC ng P3.708 trillion bilang disbursement target o 19.2 percent ng GDP.

Nabatid na ang 2019 budget ay mas mababa kumpara sa P3.767 trillion noong 2018—ang pinakamalaking General Appropriations Act.

Ang 2019 budget ay isang cash-based budget kung saan maaring pumasok ang ahensya sa contractual obligations at mag-disburse ng bayad para sa goods and services na ihahatid sa loob ng fiscal year.

Samantala, nakatakda namang magpulong ang mga government officials sa susunod na linggo para pag-usapan ang mga preparasyon para sa budget proposals sa 2019.