Close

DA Sec. Manny Pinol, iginiit na 96% ang rice sufficiency ng PH

Sponsor ads


Inanunsyo ni Agriculture Secretary Manny Pinol na 96 percent ang rice sufficiency sa bansa.

Ito ay sa kabila ng mga ulat na mayroong rice shortage sa Pilipinas kasabay ng kakulangan sa buffer stock ng bigas ng National Food Authority (NFA).

Ayon kay Pinol, naitala ang 19.4 milyong metric tons ng bigas na syang highest rice production ng Pilipinas noong 2017.

Kaya umano nitong pakainin ang mga Pilipino sa loob ng 96 araw, pinakamataas sa mga nagdaang taon.

Kaya naman, naniniwala ang Agriculture Secretary na mayroong grupong nagpapalutang na mayroong rice shortage sa bana.

Dapat aniyang imbestigahan ng pamahalaan ang isyu dahil national security issue na maituturing.