Close

DA: Suplay ng bawang at sibuyas sa PH, nagkukulang

Sponsor ads


Inamin ni Agriculture Secretary William Dar sa mga senador na nagkukulang ng suplay ng sibuyas at bawang sa Pilipinas, habang sinisikap naman nila na mapalakas ang domestic production.

Ayon kay Dar, tanging walong porshento lang ang pino-produce ng bansa mula sa total consumption ng bawang.

Sa sibuyas naman, sinabi ng kalihim na nasa 85 percent maximum based on consumption ang pinoproduce ng bansa.

Dahil dito, sinabi ni Dar na iaangat nila ang level mula sa 85 at tatargetin ang karagdagan 10 hangang 15 percent upang magkaroon ng posibilidad na mataasan ang hectarage, kabilang na ang productivity per unit area ng bawang sa bansa.