Close

DA: Marami ang suplay ng baboy ngayong Pasko

Sponsor ads


Tiniyak ng Department of Agriculture na walang shortage sa suplay ng karneng baboy ngayong pasko sa kabila ng naitalang kaso ng Afrixan Swine Fever sa ilang lugar sa bansa.

Sa press briefing sa Palasyo sinabi ng Department of Agriculture, may sapat na suplay ng baboy sa mga nalalabing buwan ng taon kahit pa patuloy na hinaharap ng gobyerno ang problema ng African Swine Fever.

Ayon kay Reildrin G. Morales ng DA Crisis Management Team on African Swine Fever, sa Rizal, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Pangasinan, Cavite, Malabon, Caloocan at Quezon City lang naman nagsasagawa ng culling o pagpatay sa mga baboy para mapigilan ang paglaganap ng ASF.

Pero buhay na buhay pa rin aniya ang hogs industry sa Visayas at Mindanao na pinagkukuhanan ng suplay ng baboy.

Kung titignan rin aniya, nasa higit 70,000 na mga baboy palang ang pinapatay sa loob ng tatlong buwan magmula nang maitala ang unang kaso ng ASF.

Wala pa aniya ito sa isang porsyento ng 12.5 million na dami ng baboy sa buong bansa.

Gayunman, hindi pa matancha ng DA kung tataas o bababa pa ang presyo ng baboy pagsapit ng Disyembre.

Depende pa rin aniya ito magiging demand ng karneng ito sa merkado.