Close

DA, pag-aaralan na ang pag-lift sa price cap ng karneng baboy, manok

Sponsor ads


Pag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) ang posibilidad na i-lift ang price ceiling sa karneng baboy at manok.

Ito ang sagot ni Agriculture Secretary William Dar nang matanong ni Senator Risa Hontiveros kung nakapagsagawa na ng initial assessment ang DA kung papaanu makokontrol ang mga presyo at matitiyak ang sapat na suplay ng naturang mga produkto.

Mababatid na nagkasa ng ‘pork holiday’ ang ilang Market vendors kasunod ng pagpapatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 60-day cap, na nagsimula noong Feb. 8 upang pigilan ang tumataas na presyo ng karne.

Batay sa Executive Order No. 124 ng pangulo, itinakda ang price ceilings na P270 para sa kilo ng “kasim o pigue,” P300 per kilo para sa “liempo,” at P160 per kilo para sa dressed chicken.