Close

Czech rock climber, inakyat ang world's hardest cliff sa Norway

Nakumpleto ng 24 taong gulang na Czech rock climber na si Adam Ondra ang kinikilalang hardest cliff sa mundo.

Ito ang Hanshelleren cave sa Flatanger sa Norway na tinaguriang world’s hardest single rope-length climb na inakyat lamang niya sa loob ng 20 minuto.

Apat na taong preparasyon at pitong pagbisita sa Norway ang ginawa ni Ondro bago niya tuluyang naakyat ito.

Isa si Adam Ondra sa mga kilalang best rock climbers sa mundo at unang climber sa mundo na parehong nanalo sa Lead at Bouldering World Cup. // Alyssa Zandra Fabreag


(Photograph: Pavel Blazek)