Close

Customs exec, di na nagulat sa magaganap na sibakan

Sponsor ads


Hindi na nagulat si Customs Assistant Secretary Jet Maronilla sa inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin nya ang mahigit 60 opisyal at empleyado ng Bureau of Customs.

Ayon kay Maronilla, matagal na nilang binabalaan ang mga Customs officials at employees kaugnay ng pinatinding kampanya kontra kurapsyon sa kagawaran.

Kaya naman di na aniya nila ikinagulat ang gagawing pagsibak ng pangulo sa ilan nilang kasamahan dahil lumabas sa kanilang nagpapatuloy na intelligence reports na mayroon pa ring gumagawa ng kalokohan sa loob ng bureau.

Dagdag ng opisyal, maliban sa mga reklamong kanilang natatanggap, mayroon ding intelligence information ang pangulo kaugnay ng nagaganap na kurapsyon sa BOC.

Mababatid na sinabi ng punong ehekutibo na ire-relieve nya ang 64 empleyado ng BOC para di na makagawa pa ng kasiraan sa interes ng pamahalaan.