Close

Customs, nasakote ang nasa P18.5-M smuggled cigarettes

Sponsor ads


Nasakote ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P18.5 million halaga ng misdeclared cigarettes sa Manila International Container Port.

Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña, nadiskubre ng isang opisyal mula sa X-ray Inspection Project (XIP) ang iregularidad sa shipment dahilan para isailalim ito sa alerto.

Ang shipment ay naka-consigned sa Marid Industrial Marketing sa address na 2090 Batangas Line, Paco, Manila at ideneklara bilang 890 cartons ng industrial artificial fur texture ngunit nang suriin, ito pala ay naglalaman ng 914 cartons ng sigarilyo na may brands na Jackpot, Fortune, John, Marvels, at U2.

Ang naturang shipment, ay dumating mula sa China noong April 4 at iprinoseso ng Customs broker na si Carme Ann Rollon.

Dahil dito, sasailalim ito sa forfeiture proceedings dahil sa paglabag sa Section 1400 o ang Misdeclaration, Misclassification, at Undervaluation in Goods Declaration ng Republic Act No. 10863, o kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Dagdag ng BOC chief, suspendihin ang accreditation ng importer at customs broker dahil sa misdeclared shipment.