Close

Criminal raps vs 15 cops sa Chinese inmates' escape, inihain na

Sponsor ads


Inihain na ang criminal complaints laban sa 15 pulis kaugnay sa pagtakas ng anim na mga Chinese persons deprived of liberty (PDLs) sa Camp Karingal noong nakaraang linggo.

Ayon kay QCPD chief Police Brigadier General Ronnie Montejo, ang criminal complaints para sa paglabag sa Article 224 ng Revised Penal Code o ang "Evasion through Negligence" ay inihain laban sa mga inaakusahang pulis, na una nang narelieve mula sa kanilang pwesto.

Maliban dito, nagpapatuloy naman ang imbestigasyon para administrative case laban sa mga pulis, na sinabing duty sa panahong tumakas ang mga Chinese inmates.

Samantala, muling naaresto naman ang naturang mga Chinese nationals malapit sa creek sa Mapagkumbaba Street corner Fugencio Street sa Barangay Krus na Ligas.

Dahil dito, sinabi ni Montejo na inilipat na ang mga Chinese nationals sa detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.

Ang mga Chinese nationals ay kabilang sa mga naaresto ng mga otoridad dahil sa pagtatrabaho nang walang proper permits at visas sa Barangay Bago Bantay.