Close

Consumers, maaring maghain ng civil cases laban sa Manila Water - DOJ

Sponsor ads


Pinayuhan ng Department of Justice ang mga konsyumer sa Metro Manila na nakararanas ng service interruptions sa tubig na maghain ng civil cases laban sa Manila Water ng mga Ayala.

Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, pwedeng maghain ng mga indibidwal na kaso ang mga konsyumer kung sa tingin ng mga ito na nagkaroon ng krisis sa tubig dulot ng kapabayaan ng Manila Water.

Dapat din anya ay mapatunayan na hindi natural causes o force majeure ang dahilan ng kakulangan sa suplay ng tubig.

Ang force majeure, o ang hindi inaasahang mga pangyayari, ay dipensa sa mga civil cases upang hindi na magbayad ng damages ang isang akusado.

Mababatid na libo-libo ang naapektuhan ng water interruptions matapos isisi ng Manila Water ang problema nito sa mababang level ng La Mesa Dam at delay sa kanilang infrastructure projects.