Close

Conor McGregor, tinanggap na ang laban kontra kay Dustin Poirier para sa Enero

Sponsor ads


Tinanggap na ni dating UFC featherweight at lightweight world champion Conor McGregor ang alok ng UFC na labanan si Dustin Poirier sa Jan. 23, 2021.

Mababatid na nais sana ni McGregor na gawin ang laban sa November, pero sinabihan ito ng UFC na lahat ng mga events ay puno na hanggang sa katapusan ng taon.

Dahil dito, binigyan ang 32-taong gulang na fighter ng "take it or leave it" offer para sa 2021.

Ang opponent naman nito na si Dustin Poirier, ay dating UFC interim lightweight champion, kung saan una na rin silang nagkasama sa iisang cage noong 2014 sa UFC 178 kung saan nanalo si McGregor sa pamamagitan ng technical knockout sa round one.

Samantala, target ng Irish mixed martial arts superstar na makaharap naman si Manny Pacquiao sa boxing ring sa susunod na taon.