Close

Congw. Imelda Marcos ipinapa-aresto ng Sandiganbayan

Sponsor ads


Ipinapaaresto na ng Sandiganbayan 5th Division si dating First Lady at ngayo'y Ilocos Norte Representative Imelda Marcos matapos hatulang guilty kaugnay sa kasong katiwalian.

Batay sa desisyon, si Marcos ay guilty para sa 7 counts ng graft dahil umano sa paggamit sa kanyang posisyon sa gabinete sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos para mapanatili ang Swiss bank accounts na naglalaman ng milyun-milyong dolyar.

Sinentensyahan siya ng anti-graft court ng anim hanggang labing-isang taon para sa bawat count ng graft case.

Hindi na rin siya maaaring humawak ng anumang posisyon sa gobyerno dahil sa perpetual disqualification from public office.