Close

Concert ni Sharon Cuneta ngayong buwan, hindi muna matutuloy

Sponsor ads


Hindi na matutuloy ang nalalapit sanang concert ni Sharon Cuneta sa January 26.

Ayon kay Cuneta, mabigat man sa kanyang loob ay kailangan niya munang kanselahin ang "My 40 Years, Book 2" concert.

Wala naman umanong dapat ipag-alala ang kanyang fans dahil marami pa siyang plano para ngayong taon.

Matatandaan na bago mayapos mag-shoot ng bagong pelikula si Sharon kasama si Erik Matti ay sumama ang kanyang pakiramdam.

Kwento ni Mega, tuluyan siyang nagka-flu kaya pagkatapos ng debut ng kanyang anak na si Frankie Pangilinan ay magpapahinga muna siya.