Close

Commander Bravo, dismayado sa resulta ng BOL

Sponsor ads


Bagamat dismayado si Commander Bravo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa northwestern Mindanao sa naging resulta ng plebisito sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Lanao Del Norte, iginiit pa rin nito na suportado pa rin niya ang hakbang ng MILF upang makamit ang otonomiya.

Ayon kay MILF chair Murad Ebrahim, kumpiyansa silang susuportahan at tatanggapin ni Commander Bravo ang polisiya ng mayorya ng MILF.

Giit nito na tiniyak rin ni Commander Bravo na susunod ito sa central committee ng MILF.

Sa ngayon ayon kay Ebrahim, naisumite na niya kay Pangulong Rodrigo Durterte ang listahan ng 41 nominado na maaring bumuo sa Bangsamoro Transition Authority (BTA) at inaantay na lang niya ang pagtatalaga ng nalalabi pa na bubuo sa 80-member body.