Close

Comey to Trump: I don't think he's medically unfit to be president

Sponsor ads


Tahasang sinabi ni dating FBI director James Comey na lalaking "morally unfit to be president" si United States President Donald Trump kung saan trinatrato ang mga babae bilang "pieces of meat".

Mababatid na nagbigay si Comey ng kanyang kauna-unahang major television interview simula nang sibakin ito ni Trump noong nakaraang taon.

Ilang oras bago ilabas ang naturang panayam, inakusahan ng pangulo si Comey ng umano'y maraming kasinungalingan.

"I don't buy this stuff about him being mentally incompetent or early stages of dementia," saad ni Comey sa naturang panayam.

Giit pa ni Comey, ang presidente umano ay dapat nagpapakita ng respeto para sa iba at sinusunod ang mga paniwala ng kanyang bansa at lalong-lalo na ang pagiging totoo kung saan ito ang hindi umano nagawa ni Trump.

Dahil dito, ito ang pinakabagong development sa long-standing feud sa pagitan ng dalawa na pinainit pa ng nalalapit na publication ng memoir ni Mr Comey na A Higher Loyalty: Truth, Lies and Leadership.

Ang ex-FBI chief ay nasa publicity blitz para sa naturang libro.

Ayon kay President Trump, ni-review umano niya ang naturang libro kung saan may mga "big questions" umano na nakapaloob dito.

Dahil dito, iminunghahi ng US president na dapat makaulong si Comey.