Close

Comelec sa candidates: 'wag lumagpas sa election spending limits'

Sponsor ads


Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato para sa 2019 midterm elections na tiyaking di sila lalagpas sa election spending limit.

Simula kasi kahapon ay sinimulan na ng Comelec ang pag-monitor sa election spending ng mga kandidato para sa halalan sa Mayo.

Batay kasi sa patakaran, pinapayagan ang mga kandidato na may political party na gumastos ng P3 kada registered voter sa lugar kung saan nila inihain ang kandidatura o kabuuang P183 milyon para sa 61 milyong registered voters.

Habang ang mga political parties, party-list groups, at independents naman ay pinapayagan gumastos ng P5 kada registered voter sa constituency kung saan nila inihain ang candidacy o kabuuang P305 milyon para sa 61 milyong registered voters.

Kasama sa spending limit ay mga posters o banners, souvenirs o giveaway items, transportation at media advertisements.

Nagpapaalala rin ang Comelec na kasama sa computation para sa campaign spending ang mga donasyon at kailangang ideklara ang mga nagamit rito sa Bureau of Internal Revenue.

Itinakda sa Hunyo 12 ang deadline para sa pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures at ang mga kandidatong mapag-aalamang nag overspend ay mahaharap sa mga kaso at madi-disqualify.