Close

Comelec probe vs viral video ng ‘pre-shaded’ ballots

Sponsor ads


Iimbestigahan ng Commission on Elections (Comelec) ang viral video ng umano'y pre-shaded ballots sa Lanao del Sur.

Sa naturang video, makikita ang isang unidentified individual na tila minamarkahan ang lang mga balota sa naturang lugar, ngunit ang original video umano nito ay binura na sa online.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, hindi pa nila nabe-verify ang naturang insidente dahil sa kakulangan ng mga detalye sa sa naturang video.

Sa kabilang dako naman, sinabi ni Jimenez na may ilang receipts ang na-“misprints” kasunod ng reklamo sa social media na iba ang lumabas na pangalan sa kanilang mga resibo mula sa kanilang mga binoto.

Nilinaw naman ng poll body na ang “misprint” ay hindi universal reason para sa lahat ng isyu sa resibo.