Close

Comelec, hinimok ang publiko na i-report ang ilegal campaign posters

Sponsor ads


Hinimok ng Commission on Elections ang mga tao na isumbong ang mga kandidato na makikitang lumalabag sa campaign rules.

Ayon sa Comelec, maaring ipadala ang mga ito sa kanilang official social media pages sa Facebook, Instagram, at Twitter.

Maari rin itong padala sa kanilang email na talktocomelec@gmail.com

Sinabi ng poll body, tatanggapin nito ang mga sumbong kahit mula pa ito sa mga Anonymous accounts.

Pero dapat ay nakalagay sa sumbong ang petsa kung kailan nila nakuha ang litrato, lokasyon ng illegal campaign material, at kung ito ba ay oversized o wala sa tamang lugar.

Dapat rin ay gamitin ang kanilang official hashtag na #SumbongSaComelec.