Close

Comelec: Kakulangan ng pera, di factor para maging nuisance bet

Sponsor ads


Nilinaw ng Commission on Elections na hindi kakulangan ng pera para maideklara bilang candidate nuisance lalo na sa Senate race.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, kinakailangan lang ng isnag kandidato na magkaroon ng kakayahang na magkapagsagawa ng nationwide campaign.

Inihalimbawa pa ni Jimenez ang isang kandidatong kulang sa pera ngunit marami naman umano itong taga-suporta.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, nakasaad na ang nuisance candidates ay yung mga naghain ng COCs na magpapagulo lang sa election process; o magdudulot lang ng kaliituhan sa mga botante dahil sa kaprehong pangalan ng registered candidates at iba pa.

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Jimenez, na hindi pa nakakapagdesisyon ang Comelec kung ang maraming followers sa social media ay sapat na para magkaroon ng kakayahan para sa national campaign.