Close

Comelec, ipapatupad ang anti-dynasty provision ngayon SK poll

Sponsor ads


Sa unang pagkakataon, ipapatupad na ng Commission on Elections ang anti-dynasty provision sa Sangguniang Kabataan elections ngayong May 14 polls.

Noong 2016 nang lagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang batas na Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015 kabilang na ang anti-dynasty provision.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, mayroong deklarasyon sa mga SK candidates na naghain ng kanilang certificates of candidacy na nagsasabing hindi sila related up to the second civil degree sa kahit sinong incumbent, elected government official.

Ang naturang deklarasyon ay sinumpaan at sa oras na malamang mali ang kanilang sinabing impormasyon ay mahaharap ang mga ito sa disqualified.

Samantala, mahigpit rin na babantayan ng Comelec ang anumang karahasan at "vote buying" sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na gagawin sa pamamagitan ng manual voting.